dzme1530.ph

Philippine Paralympics team, tumulak na para sa Paris Games

Sa gitna ng pagdiriwang ng bansa kaugnay ng katatapos lamang na 2024 Paris Olympics, naghahanda naman ang Philippines’ Paralympic Delegation sa kanilang pagsabak sa nalalapit na 2024 Paralympics.

Tumulak na patungong Paris ang six-man national Paralympic team sa gitna ng kanilang patuloy na paghahanda sa palaro, na itinakda simula sa Aug. 28 hanggang Sept. 8.

Ang anim na paralympians na ipinadala sa Paris ay pinangunahan ng veteran Para Swimmer na si Ernie Gawilan na nasa ikatlong taon na ng paglahok sa Paralympics, matapos sumabak noong 2016 sa Rio at 2020 sa Tokyo.

Makakasama ni Gawilan ang kapwa para swimmer na si Angel Otom, Wheelchair Racer Jerrold Mangliwan, Javelin Thrower Cendy Asusano, Taekwondo Jin Allain Ganapin, at para sa Archer na si Agustina Bantiloc.

About The Author