dzme1530.ph

Philippine Obstacle Racing Athletes, tiyak nang makapag-aambag ng mga gintong medalya sa Sea Games

Sigurado nang masusungkit ng Philippine National Obstacle Racing Athletes ang unang mga gintong medalya sa 32nd Southeast Asian games.

Ito’y makaraang makapagtala ang mga atletang Pinoy ng bagong world records sa Qualifying Heats ng Biennial Meet, kahapon, sa Phnom Penh, Cambodia.

Maghaharap sina Mark Julius Rodelas at 2019 Sea Games Champion Kevin Pascua para sa All-Filipino Showdown.

Binasag ni Rodelas ang sariling world record sa 25.0921 seconds finish sa Heats mula sa dating record na 26.42.

Pumangalawa naman si Pascua na nakapagtala ng 26.1896.

Sa Women’s Division, magkakaroon din ng All-Filipino Encounter sa pagitan nina Precious Cabuya at Kaizen Dela Serna para sa gold medal match.

Ang dalawang final matches ay kapwa gaganapin sa May 6, araw ng Sabado. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author