Gumawa ng kasaysayan ang Philippine men’s curling team makaraang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Asian Winter Games.
Tinalo ng Pilipinas ang South Korea sa score na 5-3, sa finals ng Curling Competition, sa Harbin, China.
Ang Curling Pilipinas na dating kilala bilang Curling Winter Sports Association of the Philippines ay binubuo ng mga Pinoy na naninirahan sa US, Canada, at Switzerland.
Ang mga kinatawan ng bansa na sumabak sa Winter Games at nagwagi ng gold medals ay sina Marc at Enrico Pfister, Christian Haller, Alan Frei, at Benjo Delarmente.