dzme1530.ph

Philippine energy sector, inaasahang matutulungan ng Singapore

Loading

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang Singapore sa pag-diversify ng energy sector sa Pilipinas.

Hinimok ni Pangulong Marcos ang Singapore na dagdagan ang kanilang investments sa renewable energy sector, bilang bahagi ng kanilang forward-looking bilateral agenda.

Binigyang diin din ng Punong Ehekutibo na nananatili ang Singapore bilang isa sa mga pinaka-importanteng investor ng Pilipinas.

Umaasa ang Pangulo na mananatili rin ang Pilipinas bilang mahalagang destinasyon para sa naturang investments, at ang kolaborasyon ng pribadong sektor ng dalawang bansa ay lumalim pa at makasabay sa global developments.

About The Author