dzme1530.ph

Philippine Embassy, biniberipika kung may mga nadamay na Pinoy sa pagbagsak ng tulay sa Baltimore sa Amerika

Biniberipika ng Philippine Embassy sa Washington D.C. kung may mga Pilipino na nadamay sa pagbagsak ng Francis Scott Key Bridge sa Baltimore.

Sinabi ni Consul Mark Dominic Lim ng Public Diplomacy Section ng Philippine Embassy sa Washington D.C., na nakikipag-ugnayan sila sa consular office upang malaman kung may Pinoy na naapektuhan ng naturang trahedya.

Inaalam na rin ng embahada kung mayroong presensya ng mga Pilipinong tripulante na lulan ng Singaporean cargo ship na sumalpok sa tulay.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang US Coast Guard ng search and rescue operations sa mga motorista na nahulog sa ilog matapos bumangga sa tulay ang cargo vessel.

About The Author