Umaasa ang Philippine Air Force sa patuloy na pag-suporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang modernisasyon.
Sa 2nd Quarter Command Conference ng Philippine Air Force na pinangunahan ng Pangulo sa Villamor Air Base sa Pasay City, ipinabatid nito ang pagkagalak kay Marcos para sa patuloy na paggabay at pakikipag-usap sa kanilang mga lider.
Kaugnay dito, umaasa ang Philippine Air Force na hindi titigil ang suporta ng pangulo sa kanilang modernisasyon para sa mas matatag at mas maaasahang hukbong himpapawid na kinakailangan ng bansa.
Samantala, sa nasabing Command Conference ay inilatag din sa Commander-in-Chief ang mga rekomendasyon upang mapalakas pa ang Airpower capability para sa pagtatanggol ng bansa sa mga banta sa seguridad at gayundin ang pagpapaigting ng kakayanan sa disaster response.
Iniulat din sa Pangulo ang mga aktibidad at plano ng Philippine Air Force sa pagtupad sa kanilang mandato bilang Air arm ng National Defense.