dzme1530.ph

Philippine Air Force, muling nag-deploy ng ‘Sokol’ chopper para sa relief operations sa Batanes

Idineploy muli ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang W-3A “Sokol” helicopter para sa pagbiyahe ng emergency goods at personnel bilang bahagi ng isinasagawang relief efforts ng pamahalaan sa Batanes na lubhang naapektuhan ng bagyong Julian.

Ito ang ikalawang deployment ng Sokol helicopter simula noong Oct. 6, nang ihatid ang relief packs at inuming tubig sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.

Sinabi ni PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, na ang misyon ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng Office of Civil Defense at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inilipad din ng helicopter ang DSWD personnel sa Itbayat, Batanes, para sa pamamahagi ng cash assistance sa mga apektadong komunidad. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author