dzme1530.ph

Phase 3 ng Bulacan Arterial Bypass Road, binuksan na sa mga motorista

Binuksan na sa mga motorista ang Phase III ng Bulacan Arterial Bypass Road sa San Rafael, Bulacan.

Pinangunahan nina Special Assistant to the President Sec. Antonio Lagdameo Jr., Japanese Ambassador Kazuhiko Kashikawa, at Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan ang inagurasyon ng dalawang westbound lanes ng Plaridel Bypass Road.

Ang binuksang portion ay may habang 7.64 kilometers, kabilang ang 36.86 meter single-span bridge, at 318-meter flyover.

Ang proyekto ay bahagi ng contract package 4 ng arterial road bypass project, na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency.

Dahil dito, umabot na sa 9.97 kilometers o 64.28% ang kabuuang haba ng nabuksang bahagi ng arterial road, na target ma-kumpleto sa 2024.

Inaasahang mapalalakas nito ang industriya at turismo sa bulacan at iba pang lalawigan sa Central Luzon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author