dzme1530.ph

Pharmally issue, maiiwasan na sa ilalim ng new gov’t procurement law

Kampante ang Dep’t of Budget and Management na hindi na mangyayari ang Pharmally controversy, sa ilalim ng ipinasang New Gov’t Procurement Act.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, bagamat bahagyang niluwagan ang procurement process sa bagong batas ay mayroon pa rin itong safeguards.

Idinisensyo rin ito upang matiyak ang efficiency, high-quality outcomes, at mapaigting ang anti-corruption.

Bukod dito, mas palalakasin din ang paggamit ng digitalization sa procurement system.

Nakipagtulungan din ang gobyerno sa World Bank, Asian Development Bank, at United Nations sa pag-amyenda sa Procurement Act at pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR).

Mababatid na bilyung-bilyong piso ang sinasabing nawala sa gobyerno dahil sa ma-anomalyang pagbili ng umano’y overpriced medical supplies sa pharmally noong panahon ng COVID-19 pandemic. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author