dzme1530.ph

PH-US Security at Economic Cooperation, pinagtibay ni PBBM at Vice President Kamala Harris

Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at United States Vice President Kamala Harris ang kooperasyon ng Pilipinas at America sa seguridad at ekonomiya.

Sa kanilang meeting sa Sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, USA. Tiniyak ng dalawang lider ang commitment sa pagtataguyod ng International Rules, partikular sa South China Sea.

Muli ring siniguro ni Harris na tumitindig ang Estados Unidos para sa Sovereign Rights at Jurisdiction ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) kasabay din ng muling pagtitiyak ng commitment sa Mutual Defense Treaty.

Samantala, tinalakay din ang pagpapalawak ng Economic Cooperation ng dalawang bansa sa pamamagitan ng Indo-Pacific Economic Framework.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author