dzme1530.ph

PH-US Defense Cooperation sa West Philippine Sea, inaasahan

Seryosong tinatalakay ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagsasagawa ng Joint Maritime Patrols sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang pahayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, sa dinaluhan nitong event na inorganisa ng Makati Business Club kung saan si Us Ambassador Marykay Carlson ang guest speaker.

Sinabi ni Romualdez na sa mga susunod na buwan ay madaragdagan ang mga aktibidad na may kinalaman sa defense cooperation, kasama ang US, bilang bahagi ng programa para sa pinaigting na pagpapatrolya sa WPS.

Sa panig naman ni Carlson, tinawag nitong “vitally important” ang combined maritime activities sa pagitan ng dalawang bansa para panatilihin ang kaligtasan at seguridad, partikular sa mga mangingisdang Pilipino na pumapalaot sa pinag-aagawang teritoryo.

Samantala, inihayag naman ni Dating Philippine Ambassador at MBC Board Member Jose Cuisia na kailangan ang joint patrols upang kontrahin ang pag-angkin ng China sa mga teritoryo sa WPS.

About The Author