dzme1530.ph

PH Labor and Employment Plan 2023-2028, iprinisenta sa Pangulo

Iprinisenta ng Department of Labor and Employment kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Labor and Employment Plan (LEP) 2023-2028.

Ito ay sa sectoral meeting sa Malakanyang ngayong araw ng Martes.

Sa press briefing sa Malakanyang, tinukoy ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma ang tatlong priorities ng labor plan, una ay ang pagtataguyod ng produktibo, dekalidad, pangmatagalan, at malayang pagpili ng trabaho.

Ikalawa ay ang pagtitiyak ng respeto sa mga karapatan, international commitments, at sa human rights, at ang ikatlo ay ang inklusibong social protection para sa lahat.

Magkakaroon din ng National Technical Skills Development Plan na binalangkas ng Technical Education and Skills Development Authority, para matugunan ang required skills at workforce sa construction, BPO, tourism, health industry, at iba pang employment generators.

Sa tulong naman ng infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways ay ia-alok ang milyung-milyong oportunidad para sa mga Pilipino, partikular para sa skilled workers.

Ang Labor and Employment Plan ay alinsunod sa 8-point Socioeconomic Agenda, Philippine Development Plan ng administrasyon, at layunin nitong maibsan ang unemployment at underemployment sa bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author