Suportado ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero ang paglagda ng bansa at ng Japan sa Reciprocal Access Agreement (RAA).
Sinabi ni Escudero na ang anumang kasunduang magpapalakas at magpapataas sa kakayahan ng ating militar ay kanyang susuportahan.
Sa panig naman ni Senador Juan Miguel Zubiri, iginiit na napapanahon na ang kasunduan na tiyak na mapapataas nito ang Defense operability ng ating bansa sa mga kaibigan natin sa Asya.
Ayon kay Zubiri, sa pamamagitan ng kasunduang ito ay mapapalakas ang Naval training ng Pilipinas at magagamit nang husto ang mga sasakyang pandagat at iba pang kagamitan na binili mula sa Japan.
Binigyang-diin din ni Zubiri na mahalagang kaalyado ng Pilipinas ang Japan at ang kanilang tulong ay mahalaga sa modernisasyon ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.
Umaasa rin ang senador na sa pamamagitan ng partnership na ito ay mas makakamit ang kapayapaan sa rehiyon.