dzme1530.ph

PH Humanitarian team, nakatakdang ipadala sa Morocco

Magpapadala ang Pilipinas ng humanitarian contingent sa Morocco upang magbigay ng tulong sa mga biktima ng magnitude 6.8 na lindol.

Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary at Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno na isinasa-ayos na ng Office of Civil Defense (OCD) ang deployment ng humanitarian team.

Binubuo ang humanitarian contingent ng mga tauhan mula sa OCD, 525th Engineering Combat Battalion ng Philippine Army, 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection-Special Rescue Unit, MMDA, Davao Rescue 911, at ang Department of Health.

Matatandaan na nagpadala ang Pilipinas ng 82-Man Humanitarian Team sa Turkey noong February 2023 matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol, na nakaapekto rin sa Syria. –sa panulat ni Zaine Bosch

About The Author