Bukas para sa lahat ng investors ang economic zones ng Pilipinas.
Sa interview kay South Korea Maeyeong Media Group Chairman Chang Dae-Hwan, inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ang ecozones ay nag-aalok ng iisang common tax code at incentive scheme, para na rin sa mga naghahanap ng special incentives at special tax breaks.
Inihalimbawa ng pangulo ang Clark Freeport and special economic zone sa Clark, Pampanga, na nakahikayat ng foreign investments dahil sa government arrangements.
Ipino-posisyon na rin ito para maging bahagi ng Luzon economic corridor.
Kaugnay dito, hinikayat ng pangulo ang South Korean companies na samantalahin ang mga oportunidad sa ecozones sa bansa.