dzme1530.ph

PH economic managers, lilipad pa-Singapore sa susunod na linggo

Lilipad patungong Singapore ang economic managers ng bansa sa susunod na linggo upang hikayatin mula ang mga foreign investor tungkol sa mga oportunidad sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Finance, makikipagpulong sina Finance Secretary Benjamin Diokno, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan at Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Francisco Dakila sa mga business leader sa June 15, sa One Fullerton Hotel.

Nagsasagawa ang cabinet officials at Philippine businessmen ng serye ng economic briefings upang mag-alok ng oportunidad sa mga dayuhan na mamuhunan sa bansa.

Ang pinakahuling economic briefing ay ginanap sa Washington noong April 12 at sa London at Frankfurt noong Enero. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author