dzme1530.ph

PH at US, nagpahayag ng pagkabahala sa planong paghuli ng China sa mga trespassers sa South China Sea

Parehong nagpahayag ng pagkabahala ang Pilipinas at Estados Unidos, sa plano ng China na arestuhin ang mga dayuhang lumalabag sa South China Sea, ayon kay Armed Forces Chief Romeo Brawner Jr.

Sa kanyang pahayag sa 2024 IISS Shangri-la dialogue, sinabi ni Brawner na hindi niya maaaring ibunyag ang buong detalye ng naging talakayan nito kasama si Us Indo-Pacific Command Chief Admiral Samuel Paparo, ngunit parehong nababahala ang dalawang bansa tungkol sa bagong tuntunin ng China.

Aniya, pareho din ang dalawang bansa na nagpahayag ng paninindigan nito sa kanilang alyansa, upang mapatibay pa ang kanilang kooperasyon.

Una nang nagpahayag ng reaksyon si Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa inihaing bagong regulasyon ng China, at sinabing pinalalala lang nito ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas.

About The Author