dzme1530.ph

PH at US, magsasanib-pwersa para sanayin ang mga Pilipino sa pag-operate ng nuclear power

Nagkasundo ang Pilipinas at Amerika na i-train ang mga Pilipino kung paano magtayo at mag-operate ng nuclear power plants, upang palakasin ang supply ng kuryente sa bansa.

Ito’y matapos lagdaan ng Manila at Washington ang Nuclear Cooperation Agreement noong Nobyembre, para bigyang-daan ang pagsisimula ng US investment sa atomic power sa Pilipinas.

Alinsunod sa deal, mag-a-alok ang Philippine Department of Energy at ang Philippine-American Educational Foundation ng scholarships at exchange programs para sa mga Pinoy na nais matutunan ang tungkol sa civil nuclear power at renewable energy.

Sinabi ni Daniel Kritenbrink, US Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs, na makatutulong ang deal sa pag-develop ng workforce na kailangan sa pagtatayo ng clean energy infrastructure at pag-operate ng state-of-the-art nuclear power plants.

Inihayag naman ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ang “advanced training” ay magbibigay ng katiyakan sa bansa na mayroong “human resources” na kinakailangan para sa naturang sektor.

About The Author