dzme1530.ph

PH at US, dadalhin ang Balikatan exercises hanggang sa pinakadulo ng EEZ

Dadalhin ng Pilipinas at Amerika ang Balikatan Joint Military Exercises ngayong taon sa labas ng territorial waters ng bansa hanggang sa pinakadulo ng Exclusive Economic Zone (EEZ).

Lalahok ang warships ng dalawang bansa sa joint training sa kabila ng presensya ng Chinese vessels, coast guard, at fishing militia sa lugar.

Tungkol naman sa magiging reaksyon ng China sa joint exercises sa West Philippine Sea, sinabi ni Col. Mike Logico, executive agent ng Balikatan exercises, na hindi na natin iyon problema.

Samantala, inihayag ni Security Analyst Prof. Renato de Castro na ang ugat ng tensyon ay ang presensya ng Chinese forces sa EEZ ng Pilipinas.

Binigyang diin ni de Castro na kung mananatili ang mga barko ng china sa sarili nilang Exclusive Economic Zone ay hindi magkakaroon ng anumang tensyon.

Iba’t ibang bansa sa timog silangang Asya, gaya ng Thailand, Singapore, Vietnam, Indonesia, Brunei at Malaysia, ang kabilang sa 13 observers sa Philippines-U.S joint military drills na nakatakda ngayong Abril at sa Mayo.

About The Author