dzme1530.ph

PH at Indonesia, nagkasundong i-institutionalize ang police cooperation

Nagkasundo ang Pilipinas at Indonesia na i-institutionalize ang kanilang police cooperation.

Ito ay kasunod ng pagkakahuli kay dismissed Bamban Tarlac mayor Alice Guo sa tulong ng Indonesian authorities.

Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, bukod kay Guo ay maraming iba pang kriminal ang maaaring madakip sa pagtutulungan ng Philippine at Indonesian police.

Sinabi pa ni Abalos na may common enemies o magkaparehong kaaway ang dalawang bansa, una ay ang iligal na droga, at ikalawa ay smuggling.

Kaugnay dito, magkakaroon umano ng pag-uusap at pagpapalitan ng impormasyon at operasyon ang dalawang panig. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author