dzme1530.ph

PH Army, pinaghahanda na ng Pangulo laban sa “emerging threats”

Pinaghahanda na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Army laban sa “emerging threats”.

Sa kanyang mensahe para sa 127th anniversary ng PH Army na binasa ni Defense Sec. Gibo Teodoro, inihayag ng Pangulo na kailangan nang ihanda ang Army bilang multimission, cross-domain, at capable force na may kakayanang labanan ang mga banta sa stability at soberanya ng bansa.

Kaugnay dito, pinuri ng Commander-in-Chief ang tagumpay ng Army sa internal security operations, kasabay ng pag-shift nito sa external defense.

Pinayuhan din silang gamitin ang mga natutunang leksyon sa joint operations sa defense forces ng ibang bansa.

Matatandaang una nang hinikayat ni Chinese President Xi Jinping ang kanilang militar na maghanda laban sa mga tensyon sa karagatan.

About The Author