Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Army na palakasin ang kakayanan sa Cybersecurity.
Sa kanyang mensahe sa 127th Anniversary ng Philippine Army na binasa ni Defense Sec. Gibo Teodoro, inihayag ng Pangulo na napakahalaga ng abilidad sa paglaban sa Cyberthreats.
Kaugnay dito, hinimok ang Hukbong Katihan ng bansa na paigtingin ang cybersecurity capabilities upang mai-akma ito sa mabilis na pag-usad ng teknolohiya, para sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa bansa.
Tiniyak naman ng Commander-in-Chief ang patuloy na pagpapalakas ng morale at kakayanan ng PH Army sa pamamagitan ng capacity building initiatives, matinding training, at education activities.
Pinayuhan din silang gamitin ang mga leksyong natutunan mula sa joint operations sa foreign defense counterparts.