dzme1530.ph

PH Ambassador to China, hiniling na pauwiin sa bansa

Umapela si Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pauwiin muna ang ambassador ng Pilipinas sa China.

Ayon kay Rodriguez ito ay bilang protesta sa panibagong ‘David vs. GOLIATH’ na insidente sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Aniya, bukod sa paghahain ng diplomatic protest, dapat ay i-recall muna ng pamahalaan si Philippine Ambassador to Beijing Jaime Flor Cruz, hanggang sa makatanggap ng sagot at paumanhin ang bansa mula China.

Sinabi ng mambabatas, na noong lamang 2022, 193 protest notes ang ipinadala ng Pilipinas sa China, 65 dito ay sa ilalim na ng Marcos administration.

Gayunman, binabalewala lamang aniya ito ng china na patuloy sa panggigipit sa ating coast guard at mga mangingisda. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author