dzme1530.ph

PEZA, tinayang lalago ng 5% ang exports para sa kanilang locators ngayong 2024

Kumpiyansa ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na lalago ng 5% ang exports ngayong taon mula sa mga kumpanyang pinangangasiwaan nito, sa harap ng inaasahang pagbangon ng electronics industry.

Tinukoy ni PEZA Director General Tereso Panga, bilang best exports ngayong 2024 ang Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) services, electronics and semiconductors, metals, at automotive products.

Idinagdag ni Panga na ang semiconductors na bumaba noong nakaraang taon ay inaasahang makababawi ngayong taon.

Sa tala ng PEZA, umabot sa$ 63.71-B ang exports ng kanilang locators noong 2023, o 61.5% ng total exports.

About The Author