![]()
Pinabulaanan ng state-owned oil and gas company ng Malaysia na Petroliam Nasional Berhad (Petronas) ang report na pumasok sila sa fuel supply agreement sa isang lokal na pamahalaan sa Pilipinas.
Ginawa ng kumpanya ang paglilinaw bilang tugon sa ulat na plano ng Davao del Norte na bumili ng 44 million liters ng langis mula sa Malaysia, matapos sabihin ng isang provincial official na gumugulong na ang diskusyon sa Petronas.
Gayunman, binigyang-diin ng kumpanya na hindi sila bahagi ng anumang kasunduan at hindi sila kasali sa anumang related commitments.
Binigyang-diin ng Petronas na nananatiling prayoridad nila na matiyak ang stable fuel supply sa Malaysia.
