![]()
Nagdagdag pa ang Petrogazz ng mga gasoline station na magpapatupad ng limang pisong rollback sa presyo ng kanilang mga produkto.
Sa advisory ng kumpanya, simula 6 a.m. bukas, March 24, magpapatupad ng limang pisong rollback sa bawat litro ng diesel at gasoline ang kanilang mga istasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kabilang na dito ang Lingayen, Mabini, Bugallon, at Alaminos sa Pangasinan; Calatagan sa Batangas; Dolores, Mangilag, at Macalelon sa Quezon; at Silang sa Cavite.
May rollback din sa ilang mga lugar sa Roxas City, Capiz, Antique, Bacolod City, Negros Occidental, Iloilo City, Negros Oriental, Tacloban City, at Cebu para sa Visayas region.
Habang sa Mindanao, mararamdaman ang rollback sa ilang mga lugar sa Agusan del Sur, Davao City, Digos City, General Santos City, Davao del Norte, Misamis Oriental, at Kidapawan City.
