Hiniling ng isang mambabatas at ilang miyembro ng civil society group sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon ni Vice President Sara Duterte na layong pigilan ang nakatakda niyang impeachment trial.
Kabilang sa naghain ng mosyon si Akbayan Rep. Perci Cendeña, isa sa mga endorser ng impeachment complaint laban kay Duterte, kasama sina Sylvia Claudio, Filomena Cinco, Kiko Aquino Dee, Teresita Quintos Deles, Eugene Gonzales, Yvonne Jereza, at Alice Murphy.
Iginiit ng grupo na walang sapat na merito ang petition for certiorari and prohibition ni Duterte, kaya’t dapat itong i-dismiss ng Korte Suprema.
Ayon kay Aquino Dee, umaasa silang papayagan ng korte na magpatuloy ang proseso ng impeachment upang mailahad ang lahat ng ebidensiya at maabot ang makatarungang hatol.