dzme1530.ph

PETISYON NI DATING CONG. ZALDY CO LABAN SA KASONG GRAFT AT MALVERSATION SA SANDIGANBAYAN, TATALAKAYIN NA NG KORTE SUPREMA

Loading

Tatalakayin na ng Korte Suprema ang petisyon ni dating Cong. Zaldy Co laban sa pagsasampa ng Ombudsman ng mga kasong graft at malversation sa laban sa kanya sa Sandiganbayan. 

 

May kaugnayan ito sa sinasabing iregularidad sa P289.5 million flood control  project sa Naujan, Oriental Mindoro.

 

Sa kanyang petisyon, iginiit ni Co na hindi siya nabigyan ng due process nang ihain na ng Ombudsman ang mga kaso sa Sandiganbayan noong November 14, 2025.

 

Nais ni Co na maglabas ang Korte Suprema ang temporary restraining order upang ipatigil ang pagdinig ng sandiganbayan. 

 

Matatandaang noong November 21, 2025, naglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay Co at sa 17 pang opisyal ng Department of Public Works and Highways at mga director ng Sunwest Corporation.

About The Author