dzme1530.ph

Petisyon ng SC na kumukwestiyon sa legalidad Maharlika Investment Fund Act of 2023, nirerespeto ng Kamara

Bahagi ng demokratikong proseso, kaya nirerespeto ng Kamara ang isinampang petisyon sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa legalidad ng Republic Act 11954 na mas kilala bilang Maharlika Investment Fund Act of 2023.

Ito ang tugon ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa petisyong isinampa nina Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel, dating Bayan Muna Representatives Neri Colmenares, Carlos Zarate at Ferdinand Gaite.

Nais ipadeklarang unconstitutional ng mga petitioners ang RA 11954 dahil sa pangambang maapektohan nito ang financial stability ng ilang government institutions na tinukoy bilang source ng Maharlika Funds.

Paliwanag ni Romualdez, ginawa lang ng Kongreso kung ano ang makakatulong sa pagsulong ng ekonomiya mula sa masamang epektong idinulot ng pandemya.

Siniguro rin nito na makikipagtulungan ang Kongreso sa Korte Suprema sa pagbibigay ng kinakailangang impormasyon na makapagbibigay linaw sa layunin ng batas. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author