dzme1530.ph

Petisyon na nagka-kansela sa birth certificate ni Alice Guo, ihahain na ng OSG

Nakatakdang ihain ng Office of the Solicitor General ngayong Biyernes ang petisyon na humihiling na kanselahin ang birth certificate ni Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, isasampa nila ang petisyon bunsod ng kabiguan ni Guo na tumalima sa legal requirements para sa late registration, at iba pa.

Para rin aniya ito sa susunod nilang ihahaing petition for quo warranto na isang legal remedy upang matukoy ang karapatan o titulo ng isang indibidwal sa public office at patalsikin ito sa pwesto.

Tumanggi naman ang SolGen na sabihin kung saang korte nila isasampa ang kanilang petisyon para sa seguridad.

Una nang inihayag ng OSG na maghahain sila ng quo warranto case laban kay Guo sa lalong madaling panahon matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation na magkapareho ng fingerprint ang suspendidong alkalde at ang chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

About The Author