Kumbinsido ang Office of Civil Defense (OCD) na dapat ng magtatag ng permanenteng evacuation centers sa bansa.
Ayon sa OCD, apektado ang pag-aaral ng mga estudyante sa tuwing ginagamit na evacuation centers ang ilang paaralan.
Gaya na lamang nang nangyayari ngayon sa Albay kung saan ilang biktima ang nagsilikas dahil sa pag-a-alburuto ng Bulkang Mayon.
Binigyang-diin ni OCD Deputy Spokesperson Diego Mariano, na panahon na para mailayo sa danger zones ng bulkan ang mga residente at mabigyan ang mga ito ng bagong lugar na malilipatan partikular ang permanent evacuation centers.
Tiniyak naman ni Mariano, na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa mga residenteng apektado ng abnormal na aktibidad ng Bulkang Mayon. —sa panulat ni Joana Luna