Nagdeklara si pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng period of National Mourning dahil sa pagpanaw ni Pope Francis.
Ayon sa Presidential Communications Office, epektibo ang National Mourning hanggang sa araw na maibiling ang Santo Papa.
Sinabi ng Malakanyang na sa naturang panahon, dapat ay naka-half mast ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng government buildings at installations sa buong bansa at maging sa ibayong dagat.
Idinagdag ng Palasyo na ang hakbang ng Pilipinas ay bilang pakikiisa sa buong mundo sa pagluluksa sa pagpanaw ng lider ng pananampalataya, pag-ibig, at sangkatauhan.