dzme1530.ph

Pentagon chief, bumisita sa Iraq bago ang anibersaryo ng US-led invasion

Bumisita si US defense secretary Lloyd Austin sa Iraq halos dalawang linggo bago ang 20th Anniversary ng US-led invasion na nagpabagsak kay Saddam Hussein.

Sa kanyang Tweet nang dumating sa Baghdad, sinabi ni Austin na ang kanyang pagbisita ay upang pagtibayin ang relasyon ng dalawang bansa tungo sa mas ligtas, matatag, at malayang Iraq.

Ang pagtungo ng Pentagon chief ay nangyari bago ang paggunita sa March 20 Anniversary ng ground invasion na nagdala sa dalawang dekadang pagdanak ng dugo sa bansa na ngayon pa lamang nagsisimulang malampasan ng Iraq.

Mula nang pangunahan ng US ang coalition troops na nagpatalsik sa Sunni Arab-Dominated Regime ni Saddam, pinamunuan ng Shiite Majority ng Iraq ang bansa sa ilalim ng confessional power sharing system.

About The Author