dzme1530.ph

Pension hike sa indigent senior citizen, pinatitiyak na mapopondohan

Hiniling ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Department of Budget and Management (DBM) na tiyaking mapopondohan ang dagdag na buwanang social pension sa mga indigent senior citizen.

Sa 2024 National Expenditure Program, naglaan ng P49.80-B para sa P1,000 kada buwan na social pension ng mga indigent senior citizen.

Ang pahayag ni Villanueva ay kasunod ng impormasyon na sa taong 2023, nananatiling P500 kada buwan ang social pension ng mga indigent senior citizen, kahit na naipasa ang batas na nagdodoble sa halaga nito noong nakaraang taon.

Sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act, P25.30-B ang inilaang pondo para sa social pension ng mga indigent senior citizens habang mayroon ding P25-B sa ilalim ng unprogrammed funds para sa dagdag pensiyon.

Ipinaalala ni Villanueva na kung ang flood control program ay nabibigyan ng pondo, mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang pension ng senior citizens. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author