Ipinagbawal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas sa Pilipinas ng pelikulang “Chasing Tuna in the Ocean.”
Binigyan ng MTRCB ng “X” rating ang pelikula, na nasa category na “not for public exhibition” sa bansa, dahil sa mga eksenang nagpapakita ng kontrobersyal na nine-dash line na sumisimbolo sa territorial claim ng China sa South China Sea.
Nilinaw naman ni MTRCB Chairperson Lala Sotto na maaring humirit ang producers ng pelikula ng second review kung magsusumite sila ng revised materials at aalisin ang mga tinutulang eksena.
Idinagdag ni Sotto na magsilbi rin sana itong paalala sa mga producer na tumalima sa standards ng MTRCB.