Inatasan ni Interior Sec. Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang viral video kung saan gumagamit umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng iligal na droga, na tinawag ng kalihim na peke at malisyoso.
Sa media briefing, ipinag-utos ni Abalos kina PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, at Brig. Generals Matthew Baccay at Ronnie Francis Cariaga na agad bumuo ng task group para imbestigahang mabuti ang isyu.
Inatasan din ni Abalos ang PNP na makipag-unayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Iginiit ng kalihim na hindi si Pangulong Marcos ang nasa video, batay sa itsura ng tenga.
Malisyoso rin aniya ang paglalabas ng video na itinaon sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.