dzme1530.ph

PEACE PLAN NG AMERIKA, IBINASURA NG IRAN

Loading

Ibinasura ng Iran ang ng Estados Unidos na tinawag nitong “excessive” o sobra-sobra.

 

Kasabay nito ang paglabas ng Tehran ng limang kondisyon para matapos na ang digmaan.

 

Ayon sa isang Iranian official, kabilang sa listahan ng kondisyon ay ang pagtatapos ng digmaan sa lahat ng panig, at pagbabayad ng pinsala.

 

Una nang nakatanggap ang Iran ng 15-point proposal mula sa U.S., ayon sa reports mula sa Pakistan na umaakto bilang intermediary.

 

Hindi naman isinapubliko ang plano ng Amerika, subalit kasama umano rito ang paglansag ng Tehran sa kanilang nuclear facilities kapalit ng pag-alis ng mga sanction.

About The Author