dzme1530.ph

PDL, patay sa pananaksak ng kapwa PDL sa Maximum Security compound

Dead on arrival sa NBP hospital ang isang person deprived of liberty PDL matapos pagsasaksakin ng nakaalitan nitong PDL sa Maximum Security Compound (MaxSeCom) ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sa inisyal report na isinumite kay BuCor CCINSP Roger Boncales nagtamo ng maraming tama ng saksak sa katawan ng biktimang PDL na si Romelito Dural, 50 anyos sanhi ng ikinasawi nito.

Umamin naman ang PDL na suspek na si Mark Mengullo, 34 years old, na nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng biktima bago niya nagawa ang pananaksak

Agad naman sumuko ang suspek matapos ang krimen habang narecover ng mga tauhan ng BuCor sa kanal ang bladed weapon na ginamit sa pananaksak sa biktima.

Nabatid na si Mengullo, ay hinatulan ng reclusion perpetua para sa kasong pagpatay matapos nitong aminin ang krimen noong Abril 5, 2022.

Inamin din ni Mengullo na matagal na siyang binu-bully ni Dural at hindi niya daw ito matanggap at iyon ang dahilan kaya niya nagawang patayin ang biktima.

Si Mengullo ay nasa ilalim ng kostudiya ng safekeeping ng Office of the Shifting Unit, ng MaxSeCom habang hinihintay confinement order. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author