dzme1530.ph

PDEA, pinangangambahan ang naglipanang pagbebenta ng marijuana vape sa bansa

Ikinababahala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang paglabas ng mga nagbebenta ng marijuana-laced electronic cigarette.

Kaugnay ito sa ginawang paglusob ng mga awtoridad sa Taguig City kung saan nakumpiska ang cannabis oil, marijuana kush at vape devices na may kabuuhang halaga na mahigit P800,000 noong nakaraang linggo.

Matatandaang mayroon na ring naharang ang PDEA at Bureau of Customs sa Port Area, Manila na labinwalong balikbayan box na may kaparehong laman subalit nakatago sa mga e-cigarettes, na nagkakahalaga ng mahigit ₱300-million.

Sinabi pa ng PDEA na isa itong senyales na lumalaki na ang domestic demand sa nasabing produkto.

Nakatitiyak naman ang ahensya na paiigtingin pa nila ang pagbabantay sa mga tindahan ng vape shop.