dzme1530.ph

PCSO, nag-turnover ng Patient Transport Vehicles sa 17 Metro Manila LGUs

Loading

Tumanggap ang lahat ng 17 lokal na pamahalaan ng tig-iisang Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa turnover ceremony kasabay ng pulong ng Metro Manila Council.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang palakasin ang emergency medical response sa bawat LGU.

Nagpasalamat si MMDA Chairman Don Artes at mga alkalde, kabilang si MMC President at San Juan Mayor Francis Zamora, dahil malaking tulong ang mga PTV sa mabilis na pagresponde sa medical emergencies at sa pagpapabuti ng lokal na sistema ng kalusugan.

Kumpleto sa kagamitan ang bawat PTV, kabilang ang stretcher, oxygen tank, at first-aid kit. Bukod dito, nakatanggap din ang 12 LGUs ng lotto-share checks mula PCSO para pondohan ang mga lokal na programa sa kalusugan at serbisyo publiko.

About The Author