dzme1530.ph

PCSO, humiling sa mga mambabatas na pabilisin ang batas na nagbabawas sa gaming tax

Inamin ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades Robles na nabawasan ang angas ng ahensya sa ginagawa nitong pagkakaloob ng mga tulong dahil sa taas ng buwis na ipinapataw sa mga mananaya.

Sa Partners Forum sa PCA, inihayag ni GM Robles na mapapalaki pa sana ang ibinibigay na tulong ng PCSO kung mas mababa ang binabayaran nitong buwis.

Paliwanag ni Robles, sa documentary stamp tax pa lang, mas mababa ang buwis na binabayaran ng PAGCOR kumpara sa PCSO.

Gayundin sa gaming tax na VAT na ‘upfront’ na sinisingil sa PCSO sa kada ‘lotto bet’ ng mananaya.

Hiling ni Robles sa mga mambabatas na madaliin na maipasa ang panukala na nagtatanggal sa gaming tax o kaya’y mabawasan para mas marami ang mapunta sa charity fund.

Katumbas din ito ng inaasahang mas maraming matutulungan ng PCSO mula sa medikal na pangangailangan hanggang sa mga obligasyon nito sa Universal Health Care Law, higher education at iba pa. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author