Nakiisa ang Presidential Communications Office (PCO) sa pagdaraos ng Breaking National Ranking 2023 ng Philippine DanceSport Federation (PDSF).
Kasama ang PDSF, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at Radio Television Malacañang, matagumpay na idinaos ang National Breakdance Event sa Makati City noong weekend.
Nagtanghal at nagpakita ng kani-kanilang talento ang homegrown Filipino breakers mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Layunin ng PDSF Breaking National Ranking 2023 na matulungan ang breakdance community na makapasok sa National Team Training Pool para sa tyansang katawanin ang bansa sa 2024 Paris Olympics.
Matatandaang sa isa sa kanyang mga vlog ay nagpabatid ng suporta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa Filipino break dancers na nagtataas ng bandera ng Pilipinas sa mga kompetisyon sa iba’t ibang bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News