dzme1530.ph

PCO, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez

Nagpaabot ng pakikiramay ang Presidential Communications Office (PCO) sa pagpanaw ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez.

Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, si Enriquez ay isa sa mga itinuturing nilang kasangga sa paghahatid ng tapat at walang kinikilingang balita.

Hindi rin umano matatawaran ang kontribusyon nito sa larangan ng pagbabalita.

Matatandaang si Mike Enriquez ay sumakabilang-buhay sa edad na 71. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author