Mariing pinabulaanan ni Pres’l Communications Office ang inilathala ng Politiko website kaugnay sa Joint Venture (JV) ng IBC-13 at Digital8, Inc..
Ayon sa PCO, mali, inaccurate at misleading ang March 2, 2025 story ng Politiko website.
Nilinaw din ng ahensiya na hindi kailan man naging incorporator o director ng Digital8 si PCO sec. Jay Ruiz, at wala rin itong share o sapi sa kumpanya.
Tumayo lamang umano ang kalihim na Digital8 authorized representative sa joint venture agreement dahil sa pagiging head ng sales and marketing.
Nakuha umano ng JV ang kontrata sa pamamagitan ng competitive public bidding noong October 2024, in full compliance sa mga patakaran, regulasyon at batas ukol sa public bidding.
January 15, 2025 nang magbitiw si Ruiz sa kumpanya at pinalitan bilang representative sa JV sa bisa ng board resolution noong Jan. 17, 2025, mahigit isang buwan bago pa man ito italaga sa PCO.
Batay umano sa Section 3 (i) ng Republic Act 6713 na nagsasa-bing may “conflict of interest” kung ang isang public official o empleyado ay kasapi ng board, officer, o ‘substantial stockholder ng pribadong korporasyon, may-ari o may malaking interes sa negosyo, korporasyon, at ang desisyon nito ay maaaring makaapekto sa kanyang official duty. Kung kaya’t wala umanong ‘conflict of interest sa kaso ni Ruiz.