Humihirit ang Presidential Communications Office (PCO) ng ₱16 million para labanan ang fake news at ₱252 million para sa advertising expenses para sa 2026.
Sa budget briefing para sa 2.5-billion peso budget ng PCO para sa 2026 sa harap ng House Appropriations Panel, ipinaliwanag ni PCO Chief Dave Gomez na marami silang ginagawa para labanan ang fake news at misinformation, mula sa digital front hanggang sa pakikipag-coordinate sa iba pang government agencies para sa datos ng fake news sites.
Ipinagtanggol din ni Gomez ang proposed 252-million peso advertising expenses ng PCO para sa susunod na taon, na 5,800% na mas mataas mula sa 4.24 million pesos na advertising budget ngayong 2025.
Idinahilan ng PCO chief ang hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit sa 2026, pati na ang iba pang mahahalagang milestones.
Kaya, anilang mag-advertise hindi lamang sa bansa, kundi maging sa ilang international outlets.
Kasama rin aniya sa additional costs ang pagsisikap ng Pilipinas na maging non-permanent member ng United Nations Security Council.