Walang naitalang untoward incidents sa mga seaport sa katatapos lamang na Semana Santa, sa gitna ng pagbabalik sa Metro Manila ng mga nagbakasyon sa mga lalawigan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na bagaman bumuhos ang ulan sa ilang bahagi ng bansa sa mga nakalipas na araw ay nananatiling kalmado sa kabuuan, ang lagay ng karagatan.
Inihayag ni Balilo na kabuuang 173,000 outbound passengers ang na-monitor, kabilang ang 152,000 na naitala noong Sabado de Gloria.
Idinagdag ng PCG official na ilang seaports ang nakaranas ng bahagyang delay sa mga biyahe, subalit nananatili pa rin naman aniyang manageable ang sitwasyon sa mga pantalan.