Hindi muna magbibigay ng komento ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkakadawit sa mga kaso na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa paglubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro noong Pebrero.
Ayon kay PCG Spokesman Arman Balilo, idudulog nila sa Department of Transportation (DOTr) ang naturang usapin upang ito ang magbigay ng legal opinion.
Sa nabanggit na reklamo na isinampa kahapon sa Department of Justice (DOJ), damay ang ilang tauhan ng PCG sa patung-patong na kaso na isinampa ng NBI.
Nakitaan ng NBI na nagkaroon ng sabwatan ang ilang kawani ng Coast Guard sa MARINA at may-ari ng barko kung kaya’t maluwag itong nakaalis ng pantalan.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ng PCG ang transmittal ng reklamo upang agad itong madala sa DOTr. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News