dzme1530.ph

PCG SPOKESMAN TARRIELA, UMALMA SA MGA BATIKOS NI SEN ALAN CAYETANO

Loading

Umalma si PCG Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa mga batikos sa kanya ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano. 

 

Sinabi ni Tarriela na wala siyang alam na masamang ginawa sa interest ng bayan upang makatanggap ng anya’y pambabastos at pambababoy ni Cayetano sa kanyang pagkatao.

 

Idinagdag ni Tarriela na hindi niya maunawaan kung saan nagmumula ang galit ni Cayetano partikular sa sinasabing pambabastos niya kay Chinese President Xi Jinping. 

 

Tanong pa ni Tarriela kung ano ang naging pahayag ni Cayetano nang insultuhin noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si dating us President Barrack Obama at maging si Pope Francis.

 

Binigyang-diin ng tagapagsalita na ang caricature ay ipinakita niya sa lecture sa university students kung saan walang international audience at ginamit lamang para sa academic discussion.

 

Kumasa rin si Tarriela sa hamon ni Cayetano na hubarin niya ang kanyang uniporme subalit dapat anya silang magsagawa ng no holds barred na debate.

About The Author