Tinawag ng Pilipinas na “inaccurate” ang pahayag ng China na itinaboy ng Coast Guard nito ang barko ng Bureau of Fisheries And Aquatic Resources (BFAR) mula sa Scarborough Shoal.
Ito ang inihayag ni Commodore Jay Tarriela, Spokesperson for the West Philippine Sea ng Philippine Coast Guard (PCG) kung saan, patuloy pa rin aniya ang BRP Datu Sanday sa pagpapatrolya sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc.
Ayon kay Tarriela, aktibo pa rin ang barko ng BFAR sa pagtiyak ng seguridad ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar.
Ipinunto rin ng opsiyal na ilang miyembro ng press ang on-board ng BRP Datu Sanday at ang mga report nito ang susuporta sa pahayag ng PCG.
Una nang sinabi ng Chinese State Television na itinaboy ng China Coast Guard (CCG) ang barko ng Pilipinas dahil ilegal itong pumasok sa kalapit na karagatan ng Scarborough Shoal.