dzme1530.ph

PCG, nakatanggap ng 2 sasakyan at iba pang kagamitan mula sa AFPMBAI

Nakatanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga donasyon mula sa Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Inc. (AFPMBAI) sa National Headquarters, Port Area, Manila.

Personal na ibinigay ni AFPMBAI President and CEO, Brigadier General Bienvenido Regondola PA (Ret), ang mga donasyon kay PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr.

Ilan sa mga inihandog ay ang:

– (2) utility vehicle

– (3) air conditioning unit

– (2) laptop

– (2) heavy-duty copiers

– (2) lisensyadong antivirus software

– (1) DSLR camera

– at (1) washing machine

Nagpaabot naman ng pasasalamat si CG Vice Admiral Punzalan sa AFPMBAI sa ipinakita nitong  pagsuporta sa PCG para sa mas mahusay na paghahatid ng kinakailangang serbisyo publiko.

Gagamitin ang mga nabanggit na kagamitan sa ibat-ibang mga department unit ng Philippine Coast Guard.

About The Author